Balik na sa normal ang operasyon ng Lotto sa bansa


Balik na sa normal ang operasyon ng Lotto sa bansa.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa interview niya ngayong gabi sa ANC’s The World Tonight.

Dagdag pa ni Panelo na ang pag-lift sa suspensyon ng lotto games ay ‘effective immediately.’

Matatandaan na noong Biyernes ng gabi, July 26 ay inanunsyo ng Pangulo ang pagpapatigil sa mga Lotto games dahil umano sa talamak na katiwaliaan at korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang hakbang na ito ng Pangulo sa publiko.

Source:  Remate News Team

https://remate.ph/operasyon-ng-lotto-balik-normal-na-suspensyon-tinigil-na-ni-pdu30/

Comments

Popular posts from this blog

Lotto winner plays Santa in Borongan

5 Lotto jackpot winners in 6 days in February

Arrest of STL operator pits governor vs police chief in South Cotabato