SWERTE! | Isa sa 2 nanalo ng jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58, inuwi na


Na-‘take home’ na rin ng isa pang nanalo sa ₱1.18 billion jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Deputy spokesperson Florante Solmerin – naiuwi na ng maswerteng winner ang kanyang bahagi na ₱472 million nitong Lunes, October 22.

Ang nanalo ay isang 30-taong gulang na nurse, na binili ang winning ticket sa bagong bukas na mall sa Legazpi City, Albay.

Dagdag pa ni Solmerin – wala pang tiyak na plano ang winner kung saan niya gagamitin ang napanalunan pero siguradong uunahin niyang bayaran ang lahat ng mga utang nito.

Matatandaang una nang kinuna ng isang winner na taga-Borongan, Eastern Samar ang kanyang bahaging premyo noong nakaraang linggo.

Comments

Popular posts from this blog

Kapag ako ang nanalo sa Lotto

6/58 Lotto Jackpot Prize (P900 Million) Almost Won by Actor DJ Durano

Duterte probe of corruption in PCSO to be swift – Palace